Tulad ng iba, gusto ko ding magkabanda. Pero sympre, musikang bato ang gusto tugtugan. Dahil nga nagkaroon na ako ng mga tunay at liberated na mga kaibigan ngayong kolehiyo, gusto ko sanang maging girl band kami pero hindi yung typical na girl band na alternative ang tugtugan. Dahil nga ang mga musical influences ko ay ang Beastie Boys, Sandwich, Evanescence, Greyhoundz, Slipknot, Eyes Set To Kill, Good Charlotte, Green Day, etc, gusto ko din sanang maging experimental rap-metal band or punk rock band kami.
Mahabang proseso pa ang kailangan. Kailangan ko ding mag-aral muna ng maigi-- both acads and playing my most favorite instrument, the guitar. Meron na kaming drummer, bokalistang marunong maggrowl, bahista, at isa pang gitarista na lang. Masyadong ambisyoso tong gusto ko pero isa ito sa mga hinihiling ko talaga.
Sunday, September 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment